HER POV "Saan ba tayo pupunta ang sakit na ng paa ko sa kakalakad, sana pinagsuot mo na lang ako ng tsinelas o flat shoes!," reklamo ko pa kay Benedict nang ilang minuto na rin naming binabaybay ang makipot na daan na hindi ko alam kung saan patutungo. “Eh, kung kasi pumayag ka ng buhatin kita ay hindi ka na sana nahihirapan pa, Bia,” pinagdiinan pa nito ang pangalan ng kapatid ko. Ang sakit pala talaga kahit sandali pa pang kaming nagkasama. Ako kasama niya pero pangalan ng kapatid ko ang tinatawag niya. Siguro kailangan ko talagang sanayin ang aking sarili. Akala ko ay tatlong buwan lang ang pagtitiis ko. Mukhang matatagalan pa siguro hanggang hindi pa bumabalik si Bianca. Mabuti na rin ang ganitong naramdaman ni Benedict na takot at nabibigla pa rin ako sa biglaang pagpapakasal at p

