SUBTLE SCANDALOUS WORDS, READ AT YOUR OWN RISK!!! HER POV Napabalikwas ako ng bangon sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Umaga na pala. Napasarap ang tulog ko na hindi ko namalayan ang pagdating ni Benedict. Tiyak kong siya ang bumukas ng bintana at tumabi ng kurtina sa gilid. Wala namang ibang tao dito kung hindi siya at ako lamang. Agad akong naalerto kung gayon narito na ang asawa ko. Hindi na ako nag- abala pang magpalit at mag-ayos sa sarili. Dali- dali na akong lumabas. Bumungad sa akin ang amoy ng sibuyas at bawang na ginigisa. Bigla akong nagutom at natakam kung ano nga ba ang niluluto ni Benedict. Pagpasok ko ng kusina ay hubad na likod ni Benedict ang una kong nakita. Agad akong napakagat labi ng bigla itong humarap at binalandra nito ang six packs abs sa harap ko.

