Dahan dahan na iminulat ni Stella ang kanyang mga mata. Nahihilo siya at mabigat ang pakiramdam. Si Phoebus ang kanyang unang nakita nang tuluyang maimulat ang mga mata. "P..." Mahinang bulong ni Stella. Tuyo ang kaniyang lalamunan kaya tunog garalgal ang boses. "Nasaan tayo?" Inilibot si Stella ang paningin sa buong silid. Nakahiga siya sa parang hospital bed pero alam niyang hindi naman ito hospital. "We're still at the basement. Nasa infirmary tayo." Simpleng tugon ni Phoebus saka kinuha ang kamay ni Stella at hinalikan ang likod nang palad nito. Nang marinig ni Stella ang salitang basement ay pumasok sa kanyang isipan ang karúmaldúmal na ginawa. Mapait siyang natawa saka binawi kay Phoebus ang kamay niya. "Huwag mong hahalikan ulit ang kamay na ito, Phoebus. Ang dumi na nito."

