"Dad, pang-ilang stop over na natin 'to, hindi kapa din ba tapos?" Nawawalan na nang pasensya na wika ni Phoebus. Itong ama niya kasi ay kanina pa turo nang turo sa lugar dahil may dadaanan na kung ano. Pangatlong stop over na nila 'to. "This will be the last stop over." Tugon ni Solomon bago bumaba nang van nila. Mataman na naghintay ang lahat nang nakasakay sa van. Ngayon araw ang deàth anniversary nang ama ni Stella kaya sama-sama silang dumalaw sa sementeryo pero itong si Solomon ay may balak yatang huminto sa lahat nang kanto na madadaan nila. Hindi nagtagal ay bumalik din kaagad si Solomon. Ngayon, may dala na itong bulaklak na pang-patay. Napahinga nalang nang malalim si Phoebus. Kung ano-ano nalang ang bitbit nang kanyang ama. Una isang lechon, sa pangalawang kakanin tapos n

