Sumabay lang si Stella sa lahat ng trip ni Phoebus. Hanggang ngayon wala pa din siyang ideya kung saan siya dadalhin nang asawa para sa date daw nilang dalawa. Stella has this hunch na hindi basta-basta ang date na hinanda nang asawa dahil nakasakay sila ngayon sa private plane nito, and the destination was still hidden to her. "Akala ko ba mag-date lang tayo?" Takang tanong ni Stella. Pang-isang daan na siguro niyang tanong iyon. "You'll soon find out." Misteryosong tugon ni Phoebus sabqy kindat sa kanya. Napaikot naman ang mata ni Stella sa ere. Tusukin ko kaya mata nito kung makakindat pa. Porket maraming pera pa-airplane airplane pa magde-date lang naman. "Bakit hindi mo nalang kasi sabihin? Limang oras na tayong nasa ere, Phoebus. Alam kung hindi sa Pilipinas ang destinasyon na

