Masama ang pakiramdam ni Stella ng magising siya kinaumagahan. May kunting sinat siya dahil siguro sa ulan at hamog kahapon. Maagang siyang bumangon para ipagluto ang kanyang mga boss. Nakita pa ni Stella ang chicken nuggets na niluto niya kahapon sa lamesa kaya tinapon muna iyon ng dalaga. Siguro walang may pumasok sa kusina nila kahapon dahil sa nangyare. Alas-sais palang ng umaga kaya si Stella palang ang gising sa buong bahay. Panay ang bahing at singot niya habang nagluluto. Uminom naman na siya ng gamot matapos niyang magkape. Nakasuot din siya ng facemask para hindi madumihan ang niluluto niya. Tatlong facemask pa talaga ang pinagpatong-patong niya para sure na safe. "Ang aga mo naman magising, Stella." Napalingon si Stella sa nagsalita. Si Zion iyon kakapasok lang sa kusin

