"Bitaw na kasi, Phoebus!" Tinampal ni Stella ang braso na nakapulupot sa kanyang bewang. Nakayakap ang asawa sa kanya sa likod at pinipigilan siyang umalis. "Nagpaalam naman ako sa 'yo kagabi diba! Nag-oo ka, kaya bitaw na." Magkikita kasi sila ngayong araw ng kaibigan na si Jannah, pero biglang nagbago ang isip nitong asawa niya at kanina pa siya pinipigilan umalis. Ayaw siyang bitawan at nakakapit lang ito sa kanyang bewang, dinaig pa ang anak. Mabuti pa si Andrew ay madaling sabihan, itong si Phoebus, mapapa hay naku ka nalang talaga. "Sama nalang kami ako..." Pagpupumilit pa ni Phoebus at mas lalong humihigpit ang pagkakayakap sa kanya. "Sige na po, asawa ko, please... Baka kasi kapag pinaalis kana hindi kana bumalik, eh." Hindi alam ni Stella kung natatawa ba siya o maiinis sa in

