"Bilisan niya kasi! Baka dumating na si Phoebus, papagalitan tayong lahat no'n." Utos ni Stella sa apat na unggoy. "Bilis bilis!" Dahil wala silang magawa, naisipan ni Stella na magslide sila. Pero hindi normal na slide ang gusto ng dalaga. Slide na may konting twists. "Sino nga ba ang nagsabi na tumulong ako dito?" Parang tanga na tanong ni Kenzo habang pinagtutulungan nilang pasanin ang apat na pinagpatong-patong na foam bed. "Huwag kanang magreklamo diyan, Kenzo. Mag-e-enjoy ka din nito mamaya." Excited na turan ni Stella. May nakita kasi siyang video online habang ang anak na nag-slide sila sa hagdan habang nakasakay sa foam bed. Dahil bored siya at walang magawa, gusto niyang i-try. Tiyak siyang masaya 'yon! Inilatag ni Stella ang foam na pasan ng apat sa ibabang parte ng hagd

