"Buti naman at naisipan mo pang balikan ako?" inis na wika ko sa magaling na si Prince na ngayon ay nakangiti ng malapad sa harapan ko. Nakatayo siya at nakahalukipkip. Lalo akong nakaramdam ng inis ng hindi mawala ang ngiti niya, inabot ko ang vase na nasa mesa sa tabi ng hospital bed kung saan ako nakahiga at ibinato iyon sakanya. Agad naman niya itong nailagan at tumama sa pader, nabasag ito at naglikha ng ingay. "Crystal!" gulat na wika niya. "Get out of my sight! Nakakainis ka!" sigaw ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at dahan-dahan na lumapit sakin. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Agad akong bumaling saking kanan at itinakip ang aking palad saking mga mukha. "Honey." bulong niya at hinawakan ang balikat ko. Hindi ako umimik at tahimik lang na umiyak.

