Vivi Madaling araw na, nais nang pumikit ng aking mga mata, subalit ayaw makisama ng isipan ko at kaluluwa. Hindi ko magawang balewalain ang sinabi ni Manong kanina. Ang mga salitang paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan, na lumilikha ng isang kaguluhan at pagkalito sa buo kong katawan. As I lay in my room, I found myself amid an odd conversation with the shadows that danced on the walls. Ang mga boses ay parang mga makatang nakikipagkumpitensya sa isa't isa, bawat isa ay tila nagpapansin at sabik na makuha ang aking atensyon. Sa kabila ng kagustuhan kong patahimikin ang ingay na patuloy na gumagambala sa tahimik kong mundo’y sa huli ang tanging nagawa ko lang ay ngumiti at hintayin na lang na kusa silang tatahimik. Tahimik kong tinanong ang aking sarili, baka nga nababaliw na ak

