"Si Charise na loka-loka!"
Sabay nilang sigaw na siyang dahilan din ng kaniyang pagkagulat. Bahagya pa silang natigilan at kalauna'y malakas na natawa, at talagang nag-apir pa sila.
Tama nga talagang magkaibigan sila,
parehas silang loka-loka at madalas ding iisa lang ang takbo ng mga utak nila.
Agad silang tumayo at agarang tinungo ang bahay ni Charise. Kinatok nila ito ng paulit-lit hanggang sa tuloyan na ngang lumabas ang may laway pa sa pisnging si Charise.
"Good morning bruhilda!" sabay at magana nilang bati ni Avelea rito.
Bumalatay naman ang gulat sa mukha ni Charise, at mukhang nagising din ang natutulog nitong diwa nang dahil sa sigaw nila si Avelea.
"Jusko naman! Ang aga-aga ang iingay nyo," atungal ni Charise na siyang hindi naman nila pinansin.
"Tanghali na gaga ka, saan ka ba kasi nagpupupunta?" mahabang tanong ni Avelea na siyang kaniyang sinang-ayonan niya naman.
"Kaya nga, saan ka ba nagtungo at ngayon ka lang nagising?" segunda ko pa.
"Tanghali na ba sa inyo ang alas nuebe ah?!" reklamo nito at binuksan ng malaki ang siwang ng pinto upang makapasok silang dalawa ni Avelea.
Walang pagda-dalawang isip naman silang pumasok sa loob at naupo sa may kutsyon na couch nito.
Sosyalin, iba talaga pag madaming raket—oh well, mayaman nga pala ang isang 'to.
"At anong kailangan nyo't napagawi kayo sa bahay ko?" tanong nito habang nakapamewang pa sa kanilang harapan.
Kung may makakakita sa kanila ngayon ay baka mapagkamalan silang mag-iina. Si Charise ang nanay, at silang dalawa ni Avelea naman ang pasaway na anak na pinagsasabihan nito.
"Naghahanap kasi kami ni Avelea ng trabaho, baka gusto mo kaming tulongan?" wika niya habang deretsong nakatingin sa mga mata nito.
"Oo nga Charise. Kung pwede, isama mo kami sa raket mo," dungtong pa ni Avelea sa kaniyang sinabi.
Tiningnan sila ni Charise ng taimtim na siyang dahilan para mariin siyang mapalunok ng laway. Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan, at isa pa para sila nitong babalatan ng buhay.
"Sigurado ba kayo sa mga sinasabi nyo?" seryosong tanong ni Charise, dahilan para magkatinginan silang dalawa ni Avelea.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga at sinalubong ang seryoso nitong mga mata.
"Oo, sigurado kaming dalawa. Pero una sa lahat gusto naming malaman kung ano ang trabaho mo," wika niya, dahil matagal na siyang kuryoso.
Nakita ko naman ang pagdaan ng kaba sa mukha ni Charise na aking kinabahala.
"Tama si Goryo..." mahinang wika ni Charise habang nakayuko.
"Ha? Ano 'yon? Paki ulit?" sunod-sunod niyang tanong dito sa kadahilanang Hindi niya narinig.
Huminga naman ng malalim si Charise at muling nagsalita.
"Tama si Goryo...tama ang sinabi niya. Isa akong bayaran," wika nito at ngumiti ng alanganin, kitang-kita rin niya ang sakit at kahihiyan sa mukha nito.
Halos hindi siya makapagsalita sa kaniyang nalaman, nalunok ata niya ang kanyang dila. Titig na titig pa rin siya sa mukha ng kaniyang kaibigan, ito ay kaniyang nilapitan at hinawakan ang nanlalamig nitong kamay.
"Wala ako sa posisyon para kuwistyonin ka at pagsabihan ka, dahil alam ko na may rason ka kung bakit mo pinasok ang ganiyang uri ng trabaho. Kahit anong mangyari nandito lang kami ni Avelea para sa 'yo," sensero kong wika habang taimtim na nakatitig kay Charise. "Hindi ba Avelea?" dugtong ko pa.
Sunod-sunod naman ang ginawang pagtango ni Avelea, dahilan para mapaiyak si Charise dahilan para sila ay mangamba.
Baka kasi mamaya ay mayroon na lamang biglang pumasok, mapagbintangan silang dalawa ni Avelea na inaaway si Charise.
"T-tahan na, jusko! 'Wag ka ng umiyak," utal-utal niyang turan nang dahil sa labis na kaba.
Samantalang si Avelea naman, ay agad na kumuha ng isang basong tubig para ipainom sa walang humpay na umiiyak na si Charise.
Inalalayan nila ito papaupo sa couch at pinaypayan na rin.
"Kalmado ka na ba?" tanong ko rito.
"Oo. Pasensya na, nag-alala lang kasi ako na baka husgahan niyo rin ako kagaya ng mga ginawa nila..." mahinang saad ni Charise at bahagyang ngumiti.
"Naku, 'wag kang mag-iisip ng ganyan. Kahit na anong mangyari at kahit na ano ka pa kaibigan pa rin kita—magkakaibigan pa rin tayo," mahaba kong saad at mabilisang niyakap ang dalawa.
"Saka gurl, mas mukha pang bayaran iyong mga nang chi-chismis sayo." wika ni Avelea na kahit papaano'y nagpagaan ng sitwasyon.
Kahit kailan talaga ay walang preno ang bibig ng isang 'to, lahat ng laman ng isip nito'y nagagawa nitong sabihin lahat.
"So mabalik tayo, bakit kailangan nyo ng trabaho?" tanong ni Charise.
"Balak ko kasi na muling mag-aral, at dahil kulang ang kinikita ko sa palengke napag-isipan kong maghanap ng trabaho," sagot ko naman dito.
Bumaling naman ang tingin ni Charise kay Avelea na mukhang inaasahan niya na ang sagot.
"Ah ako? Trip ko lang" nakangiting wika ni Avelea dahilan para masapo niya ang kaniyang noo.
Talaga nga namang ang utak ng isang 'to ang may diperesnya.
"Pero hindi marangal ang trabaho ko kaya wala rin naman akong maitutulong sa inyo," mahabang wika ni Charise na siyang kinatahimik nila.
Napaisip siya ng taimtim nang dahil sa sinabi nito.
May punto ang kaibigan niya, karangalan at pangalan nila ang nakasalalay dito.
"Hindi ko alam, pero wala akong pakealam kung hindi marangal ang trabahong papasokan ko. Ang mahalaga ay legal iyon at sigurado ang kaligtasan ko," walang paligoy-ligoy kong tugon.
Siguro dahil gipit na siya at labis na nangangailangan, kaya niya nasabi ang mga katagang iyon.
Wala na siyang pake sa sasabihin ng iba, ang mahalaga ay makapagtapos siya at makaahon sa lusak na kinalalagyan niya.
Ayaw kong mamatay ng gutom at dilat.
"Hindi ko kayo basta-bastang maipapasok doon dahil may mga requirements din, kagaya ng isang normal na trabaho at isa pa sa Maynila ito. Kung gusto niyo talagang magkaroon ng pagkakakitaan kahit ang pagbebenta ng laman, pumunta kayo sa bahay ko pagkalipas ng tatlong buwan." mahaba at seryoso nitong wika at ginawaran sila ng isang simpleng ngiti.
Tatlong buwan.
May tatlong buwan pa siya para makapag-isip ng masinsinan.
Sa loob ng tatlong buwan na iyon naka-ukit ang kaniyang kapalaran. Kung siya ba ay makakaahon sa lusak, o mamamatay na lamang na kagaya ng isdang dilat.
Bakit ba kasi hindi siya pinanganak na may gintong kutsara sa bibig?
Hindi naman sa sinisisi niya ang mga magulang niga pero—why naman kasi ganon?!
Huminga siya ng malalim at binigyan ng makabulohang ngiti si Charise.
"Sige, malalaman mo rin ang desisyon ko sa loob ng tatlong buwan. Sa ngayon ay mag-iisip muna ako ng mga posibleng dahilan at mga bagay-bagay," mahabang wika ko at lumabas na sa bahay nito.
Iniwanan na rin niya si Avelea sa loob at dere-deretso na lamang na naglakad papunta sa isang malapit na parke dito sa kanilang baryo.
Pagkarating niya sa parke ay agad siyang naupo sa duyan na naroroon. Madalas siyang tumatambay rito kapagmarami siyang iniisip, o problema.
Kasalukoyang madami ang tao sa parke, at karamihan ay halos mga bata. Masasaya ang mga ito habang naglalaro at nagtatawanan na ani mo ay walang problemang pinapasan.
Minsan iniisip ko na sana ay bata na lamang ako. Para ang prinoproblema ko lang ay ang paghuhugas ng plato, paggawa ng assignment, at kung bakit palagi akong sinusundan ng buwan kahit saan man ako magpunta.
Napabuntong hininga na lamang siya at muling napatingin sa kawalan.
Ang hirap talaga ng buhay. Ang daming balakid at pasakit bago mo makamtan ang kasiyahan na inaasam. Isama mo pa ang mapagbiro at mapaglarong tadhana.
Mabuti na lang at hindi siya pinana ni kupido ng malalim kaya kampante siyang walang ni sino man ang makakapanakit at bibiyak sa puso niya.
Ipinikit ko ang aking mga mata ng humampas ang malamig na hangin sa aking mukha, at sa aking pagpikit ay may nakita akong mukha.
Hindi iyon si Hugo kundi ang lalaking kasama nito na may asul ring mga mata, malamig na boses, at umiigting na panga.
"Inpernes gwapo talaga siya..."