Pagkatapos ng nangyari sa palengke ay umuwi na si Savana sa kaniyang munting bahay, nawalan siya ng ganang magtinda at bukod pa ro'n ay masyadong matumal ang bentahan ngayong araw. May kalakihan ang kaniyang bahay, siguro kasi mag-isa na lang siya sa buhay.
Bahagya namang kumirot ang kaniyang puso, nang maalala kung paano siya sinasalubong ng isang mahigpit na yakap ng kaniyang namayapang ina-inahan.
Napabuntong hininga na lamang siya at tinungo ang kaniyang banyo upang maligo at mag-ayos ng sarili. Balak niya ngayong humanap ng trabaho, bakit? Kasi hindi gano'n kalaki ang kinikita niya sa palengke, at bukod pa ro'n ay napakamahal ng bilihin.
Kontento na naman siya sa palengke, pero kasi balak niya sanang mag-aral ulit. Kaya na naman niyang mag working student kaya ngayon ay nagbabakasakali siya.
"Wala namang mawawala kung susubokan ko," bulong niya sa sarili habang nakatingin sa kaniyang repleksyon, mula sa munting salaming nasa loob ng kaniyang banyo.
Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang nagtungo sa kaniyang silid, upang magpalit ng damit at mag-ayos. Agad niyang kinuha ang regalong puting bistida sa kaniya ng kaniyang ina, noong siya ay nag labing-anim na taong gulang.
Wala namang pinagbago sa katawan niya kaya nasisiguro niyang kasya pa rin ang bistida sa kaniya.
Naglagay siya ng pulbos at kunting kolorete sa mukha at agad na kinuha ang mga dokumentong kaniyang kakailanganin, pagkalaon ay lumabas na siya ng kaniyang munting bahay. Isinarado niya ito ng maayos sa kadahilanang, mahirap na baka may umumit ng puting mahiwagang panty niya.
Napahagikhik na lamang siya ng mahina nang dahil sa kapilyahang kaniyang iniisip.
Habang siya ay naglalakad sa eskeneta ay samu't saring tao ang bumabati sa kaniya, halos karamihan doon ay lalaki na pilit na pumapasok sa nakasaradong puso niya.
Ginawaran niya na lamang ng simpleng ngiti ang mga ito, at muling nagpatuloy hanggang sa marating niya na ang sakayan ng jeep. Agad na hinanap ng mata niya ang jeep na palagi niyang sinasakyan, at iyon ay ang jeep ni Mang Lito. Nang makita niya ito ay dali-dali siyang lumapit doon at binati ang naturang jeepney driver.
"Magandang umaga ho Mang Lito," Nakangiti niyang pagbati rito.
"Oh ija ikaw pala, magandang umaga rin." Nakangiting pagbati nito pabalik, dahilan para mas lalong lumawak ang ngiti sa kaniyang labi.
Si Mang Lito ay kaibigan ng papa niya. Dito siya hinabilin ng mga magulang niya bago sila mawalan ng buhay, ngunit siya ang nagpupumilit na umalis sa puder nito na hindi niya naman pinagsisihan.
"Pasakay po ako Mang Lito, doon lang po ako sa may SM Mabini." Saad niya at sumakay na sa loob mg jeep nito.
Mabuti na lamang at nakaabot siya, napakarami pa namang pasahero.
Habang hindi pa umaabante ang sasakyan ay iniinsayo niya na sa utak niya ang kaniyang dapat sabihin sa oras ng interview, ngunit ang pag-iinsayo niya ay nagimbal ng may biglang sumigaw.
"Iyong batang naka-puti kandungin niyo na oh! Nang makakaalis na tayo! Nene nasaan ba magulang mo?" sigaw ng isang baritonong tinig, na hindi pamilyar sa kaniya.
Umusok ang kaniyang ilong nang dahil sa sinabi nito, mabilis niya itong hinarap at ginawaran ng isang nakakamatay na tingin. Ang mukha nito ay pamilyar, may pagkakahawig ito sa mukha ni Mang Lito-hindi kaya related sila?
Inismiran niya ito at inilabas ang birth certificate na dala-dala, gayon din ang kaniyang valid ID's at iba pa.
"Kita mo 'to?" tanong niya, at inilapit sa nakakairitang mukha nito ang birth certificate na hawak. "Birth certificate 'to! At nakasaad dito kung kailan ako pinanganak! For your information lang 'no? Twenty-two years old na ako!" Nanggigigil na dugtong niya, at lalo lamang siyang nainis ng ang lalaki ay ngumiti.
"Bakit ka nakangiti?" taas kilay niyang tanong dito.
Hindi siya natutuwa, lalo na't hindi rin siya nakikipagbiruan.
Tiningnan siya nito sa mukha at tiningnang muli ang birth certificate niyang hawak-hawak.
"Wala naman, hindi lang kapa-kapaniwala. Mukha ka kasing elementarya," mapang-asar nitong saad, dahilan para muling kumulo ang kaniyang dugo.
"Aba't bastos ka ah?!" malakas na sigaw niya, na agad din naman niyang pinagsisihan.
Halos lahat ng atensyon ay napabaling sa kaniya, kasama na rin dito ang atensyon ni Mang Lito na kasalukoyang naka-kunot noo at salubong kilay.
"Ano bang nangyayari riyan, Savana?" puno ng pagtatakang tanong nito sa kaniya.
"Ito po kasing konduktor mo Mang Lito, nang-iinis!" sumbong niya rito, dahilan para mapabaling ang tingin nito sa konduktor na may malawak na ngiti sa labi.
Pogi sana nakakaasar naman.
What a major turn off.
Pinaliit ni Mang Lito ang kaniyang mga mata, upang maaninag ang mukha ng lalaking tinutukoy niya. Bahagya namang lumiwanag ang mukha nito ng makilala ang lalaking kaaway ko.
"Lagot ka ngayon lalaki," bulong niya sa sarili.
"Oh...ikaw pala iyan Lance, tigilan mo nga iyang si Savana't baka masapok kita." saad ni Mang Lito na siyang kaniyang kinangisi.
"Ano ka ngayon?" pagmamayabang niya pa.
Kakampi kaya niya si Mang Lito. Nasa kaniya pa rin ang huling halakhak.
Kampanteng-kampante na siyang mapapahiya ito, pero mukhang nagka-mali na naman siya.
"Oho 'Tay. Baka umiyak pa 'to at mapa-DSWD ako," saad ng lalaking nagngangalang Lance, na sinundan pa ng mahinang pagtawa.
Aba't bastos ngang talaga.
Hinayaan niya na lamang ito at hindi na muling pinansin pa. Ipinikit niya na lamang ang kaniyang mga mata, at muling kinabisa ang kaniyang mga sasabihin sa oras ng interview.
Ramdam niyang may nakamasid sa kaniya, pero nanatili siyang deadma. Hanggang sa naramdaman niya na nga ang unti-unting pag-abante ng jeep na sinasakyan niya.
Sa pagdilat niya ng kaniyang mga mata ay bahagya pa siyang nabigla, nang makitang ang lalaki'y taimtim na nakatitig sa kaniya.
"Anong tinitingin tingin mo diyan?" taas kilay niyang tanong dito.
Ngumiti ito at sinabing,"Wala naman. I'm just appreciating the view,"
Umingos naman siya nang dahil sa sinabi nito. Lumang linyahan, bigla niya tuloy naalala si Goryo. Ganitong-ganito rin kasi ang sinabi ng masugid niyang manliligaw 'kuno', isang linggo na ang nakakaraan. Ang pinagkaiba lang, ang kay Goryo english carabao at ang kay Lance naman ay english tamaraw.
Pero wala pa rin siyang pakialam, dahil ang mahalaga ngayon ay makahanap siya ng trabaho't bagong paaralan.
Pero kung hindi naman siya papalarin, siguro'y ipagpapatuloy niya na lamang ang pagiging isang tindera sa palengke hanggang siya ay mamatay. Masaya naman siya kung totoosin, kaso lang ay iba talaga ang saya kapag nakapagtaapos ng pag-aaral.
Pag-aaral...
Ang namumukod tanging pamana sa akin ng aking mga magulang na nabigo akong pagyamanin.
Wala e, masyado siyang nalubog sa utang at problema. Iyong tipong hindi siya basta-bastang makakaahon agad kahit na ano pa ang gawin niya.
Naka-bingwit naman ng AFAM ang nanay niya, jyon nga lang walang pera. Naku naman talaga, minalas pa!
"Pst, Savana!" tawag ng isang nakakarinding boses, na siyang agad niyang binalingan ng tingin.
Tiningnan niya ng masama ang anak ni Mang Lito na si Lance, at bahagya pang tinaasan ito ng kilay.
"Ang sungit mo naman," pansin nito sa kilay at nakakunot niyang noo.
Hindi niya na lamang pinansin ang naging puna nito, bagkos ay mas lalo niya lamang itong pinagkunotan ng noo.
"Ano bang kailangan mo?" seryosong tanong niya rito.
Nagpakawala ito ng Isang malalim na hininga at sinabing, "Mag so-sorry lang sana ako, hindi ko intensyon na asarin ka." Na kahit papaano'y nagpakalma sa kumukulong dugo niya.
Ibinaba niya ang nakataas na kilay at sinabing, "Wala 'yon. Sanay na ako,"
"Pasensya na talaga, hindi na mauulit. Ngayon lang kasi kita nakita," saad nito dahilan para siya'y mabigla.
Panong ngayon lang siya nito nakita? E kilalang-kilala siya sa baryo nila. Dati bang bulag 'tong anak ni Mang Lito? Hala, may himala!
"Panong ngayon lang?" nagtatakang tanong niya.
"Galing kasi ako ng Davao, so bagong salta lang ako dito. Pasensya na talaga," tugon nito, na siyang kaniyang kinatango.
"Ah, gano'n pala. Bagong salta, okay valid reason." pagka-usap niya sa kaniyang sarili.
"Okay lang, no issue. Huwag mo nga lang uulitin, kumukulo kasi ang dugo ko." Mahabang wika niya at bahagyang ngumiti riito, na siyang kina-ngiti rin nito.
"Ako nga pala si Lance," saad nito, kasabay ang paglahad nito ng kamay na siyang agad niya namang tinanggap.
"Savana," Simpleng saad niya at pumara na.
Muntik pa siyang mailampas ni Mang Lito sa SM Mabini, at ang salarin ay walang iba kundi ang anak din nito-si Lance.
Taimtim niyang pinagmasdan ang napakalaking gusali na nasa kaniyang harapan.
Siya ay nasa bayan, at nasa kaniyang harapan ang isa sa mga kilalang mall sa Pilipinas-ang SM Mabini, na sa palagay niya'y umaabot ng sampu o labing limang palapag.
Humugot muna siya ng isang malalim na hininga, at bahagya pang kinurot ang sarili upang kumalma.
Hindi pa naman nagsisimula ang interview pero kinakabahan na siya ng husto, at baka wala sa oras ay mapaihi siya sa nerbyos.
She needs to face the reality and move forward. At kung hindi man siya papalarin ngayon, marami pang bukas.
Bahala na si Batman sa mangyayari, ang mahalaga ay nagawa niya ang best niya.
"This is it Savana, Fighting!"