Alex Pov...
Sa pagkamatay ni Lizzy ay tumigil ang pagtakbo ng aking buhay. Siya ang buhay ko at dahilan kung bakit patuloy akong gumigising at nagplano sa aking buhay. Ngayong wala na siya paano pa ako mabubuhay muli! Siya ang tangi kong liwanag.
"Alex! Bumaba ka na jan para kumain ng umagahan anak!" Tawag ni mommy pero wala akong gana. Ayoko ng kumain pa! Susundan ko nalang si Lizzy.
"Alex!" Muli pang tawag ni mommy pero hindi ko siya pinagbuksan ng pintuan.
"Alex! Buksan mo ang pintuan!" Pagkalampag na ninmommusa aking pintuan.
"Just leave me alone mom! Hindi ako nagugutom at hindi ako magugutom!" Sigaw ko na sagot sa kanya bago pa kalampagin din ni daddy ang aking pintuan.
"Alex naiintindihan kong kailangan mong magluksa pero anak kailangan mo rin mabuhay at magpatuloy! Marami pa kaming nagmamahal sa'yo! Hindi lang si Lizzy ang tao sa mundo Alex." Laban na sagot ni mommy. Totoo! Maraming tao pa ang pwede kong mahalin at magmahal sa akin pero iisa lang si Lizzy na mahal ko!
"I know mom but I can't love anyone else! Siya lang ang babaeng mahal ko at mamahalin ko." Masakit kong sagot sa kanya dahil hindi na ako magmamahal pa ng iba maliban kay Lizzy. Kung hindi si Lizzy ay huwag nalang ako magmamahal pa!
Walang nagawa si mommy kundi iwanan ako. Muli akong humiga at ipinikit ang aking mata. Inilagay ko sa aking isipan ang alaala naming dalawa. Patuloy kong ginunita ang mga masasayang bagay na kasama ko siya hanggang sa hindi ko napigilan ang pag agos ng aking luha.
"Lizzy!" Mahina kong pagdaing.
"Lizzy bakit mo ako iniwan? Bakit mahal ko!" Patuloy kung pagtangis.
"Mahal na mahal kita Lizzy!" Paghagulhol kung pagtangis. Paano ako magpapatuloy kung hindi naman kita kayang kalimutan. Paano Lizzy!!
Hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako ng mahimbing. Gumising akong kumakalam ang aking sikmura at madilim na. Ilang araw na akong hindi kumakain kundi umiinom lang!
Nagulantang ako sa aking paghiga sa biglaang pagbukas ng pintuan.
"Mom I told you! I want to be alone!" Agad kung singhal. Bakit ba hindi nila maintindihan ang hinaing ko!
"Alex!" Usal ng taong intruder!
"Ate Mayet! Anung ginagawa mo rito?" Gulat kong tanong. Malayo ang London para pumunta siya dito.
"I am little brother! I'm worried! Lizzy is already buried and you are here buried in your room dying?" Kanyang sagot na kung tutuusin ay totoo!
"I know Ate! Pero hindi ganun kadali ang lumimot. Kung sana madaling lumimot ay ginawa ko na pero hindi ganun kadali ate eh!" Puno ng pait kung saad.
"Then don't shut people out of your life! You should be grateful that they are helping you." Muling hirit ni ate. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Hindi ako pinabayaan ni Kayla. Walang oras na hindi siya pumunta dito para kumustahin ako pero katulad ni mommy ay tinalikuran ko siya.
"I'll try! Susubukan ko ate! Susubukan ko."
"At pakiusap, huwag mong sinisigawan si mama. Kapag nagkaroon ka na ng sarili mong pamilya at anak maiintindihan mo siya. Quit doing this to her! Siya ang labis na nasasaktan sa nangyayari sa'yo!" Dagdag niyang saad.
"I'm sorry!" Nahihiya kong saad.
"Well! Dapat kay mommy mo sabihin yan. You hurt her Alex!" Paglalambing ni ate. Tama naman si ate kay mommy ako dapat magsabi ng sorry hindi sa kanya.
Nagpalipas ako ulit ng ilang oras bago bumaba. Pumayat na rin ako dahil hindi sapat ang aking kinakain. Madalas umiinom lang ako ng tubig o magpakalasing nalang pero ang sakit panandalian lang nawawala.
Nagkalkal ako sa kusina ng pwede kong makakain. Kahit anu malagyan lang ang aking sikmura pero hindi ko pa nakakalahati ang aking pagkain ay kumulo ang ang aking tiyan at ako ay nasusuka. Tumakbo ako sa banyo para iluwa lahat ng kinain ko. Nanghihina akong napasandal sa tabi ng inudoro!
Oh god! Bakit sobrang kirot naman ng aking tiyan! F*ck! Aking pagdaing na nabutan ni Kayla.
"Alex! Where are you? Aunt Laura called to check on you!" Tawag ni Kayla.
"Kayla!" Sigaw kung pagsagot.
"Alex!" Muli niyang pagtawag.
"Sa banyo Kayla!" Daing kung sagot habang iniipit ko ang aking tiyan.
"Oh my god Alex! What is happening to you?" Nag aalala niyang tanong. Ngumiti ako sa kanya hindi alintana ang kirot kunwari hindi masakit ang aking tiyan!
"I'm fine Kayla! Nagugutom lang ako pero isinusuka ko ang aking mga kinakain." Paliwanag ko sa kanya. Tinulungan niya akong makatayo at makaupo sa upuan.
"Kailan ka huling kumain?" Hindi natutuwa niyang tanong.
"I don't know!" Buntong hininga kung sagot.
"These food are not good for you right now. Let me coom something! For now, ito muna ang inumin mo and please Alex ito na ang huling magpapalipas ka ng gutom kung ayaw mong tumira ako dito at magiging alarm clock mo!" Kanyang pagbabanta. Maliban sa magulang ko ay siya ang isa sa pinagkakatiwalaan ko.
"Opo madam! Masusunod po." Pang aasar kung sagot.
"Hindi ako nagbibiro Alex. Hindi ko sinasabing kalimutan mo si Lizzy pero dapat alagaan at mahalin mo ang sarili mo. Andito pa kaming nagmamahal, nag aalala at nangangailangan sa'yo." Kanyang mahabang paliwanag na siyang naabutan ni ate Mayet.
"Hi, Kayla! Glad to see you hear and give an earful lecture to my snobby little brother!" Eksena ni ate Mayet. Ngumiti lang si Kayla. Dati hindi sila komportable dahil kay kuya Nilo.
"Tita Laura called. Nag aalala na kasi daw siya kay Alex. Anyway, nagluluto ako ng lugaw at sopas ate Mayet. Hindi kasi pwede ang solid food nagyonykay Alex." Sagot niya kay ate.
"Oh Kayla! You know I hate that food!" Pagrereklamo kung naduduwal sa sinabi niyang pagkain.
"Well Im sorry Alex dahil ito muna ang pwede mong kainin ng isa o dalawang araw. Kapag okay na ang sikmura mo then back to your favorite food!" Nakataas ang kilay niyang sagot. Tumawa si ate Mayet.
"Suits you well little brother! Thanks Kayla for being there for him." Saad ni ate bago muli kaming iwanan dito sa kusina.
"Ate!" Pagsimangot kong sagot. Natigilan kami sa biglang pagbalik ni ate Mayet.
"You know! You two are compatible. Why not give it a chance!" Biglang saad ni ate. Saan naman niya nakuha ang ideyang yan!
"Oh no no! She is just my best friend ate Mayet. We will never be a thing! Don't complicate things! Walang malisya ang aming pagkakaibigan ate. Nakakahiya kay Kayla! I love her as my friend!" Awat ko agad na paliwanag sa kanya. Ayaw kung pag isipan niya kami ng malisya dahil malapit kami sa isat isa. Lagi kaming napagkakamalan pero hindi ganun!
Mahal ko si Kayla bilang isang kaibigan lamang at wala ng iba. Alam namin ang sekreto ng bawat isa at mga plano. Lizzy is my one and only love! Hindi ko siya kayang ipagpalit sa iba kahit kay Kayla.