Jaylord Pov... Masaya akong malilinis na ang pangalan ni Kayla kahit matagal ang naging proseso basta ang importante maibabalik ang dati. Nasira ang pamilya nila rito at hindi naging madali kay Kaye. Natatakot ang mga kapamilya ng mga pasyente na baka patayin niya sila. Dahil sa pagkakamali na ito humarap sa kahihiyan ang pamilyang Esteban araw araw sa kanilang buhay. Limang taon din ang kanilang hinintay! Sana makarating ito ay Kayla at bumalik na siya. Umaasa ang kanyang pamilya na isang araw babalik siya. Naniniwala sila sa kanya na hindi siya ang kriminal. Naalala ko pa ang tagpong iyon na halos nagpaguho sa mundo ni Kayla. Sumugod noon si Alex dito sa opisina kasama si mighty Lyneth. "Kayla! Kayla!" Galit na tawag ni Alex na ikinagulat ng lahat sa opisina. Alam kasi ng lahat ku

