RAYVEN Nagising akong kayakap ko si Marie, sobrang saya ko dahil sa wakas ay akin na siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kanina ng makita ko siyang natutulog, ang pagnanasa ko sa kanya ang mas tumindi pa ng umalis siya sa bahay. Kaya kaninang nakita ko siya sa food park ay sinabi ko sa sarili ko na kailangan ko na siyang maisama pabalik sa bahay ko. At ngayong may nangyari na sa amin, hindi na ako papayag na mawala pa siya sa tabi ko. Alam kong galit pa siya sa akin dahil sa nangyari sa kanila ni Mommy at sa paghihigpit ko sa kanya. Pero pipilitin ko yung baguhin para mas maging maayos ang relasyo naming dalawa. Nakatingin lang ako sa kanya, habang mahimbing pa siyang natutulog. Napapangiti ako, habang inaalala ko ang nangyari sa amin kagabi na halos inabot na kami ng umaga. Hindi

