MARIE Matapos namin mag cool off ni Rayven ay hindi na ako umuwi sa bahay niya, tumira ako sa bahay ko na regalo sa akin ni Mommy. Gustohin ko mang umuwi sa hacienda napakalawa naman nito sa university na pinapasukan ko. Nahihirapan akong mag move on, dahil may mga pagkakataong namimiss ko siya. Tanging ang larawan na lang namin dalawa ang pumapawi sa lungkot na nararamdaman ko. Araw ngayon ng sabado kaya nilabas ko na ang mga damit ko na kailangan labahan pumunta ako sa likod ng bahay at isinalang ko na sa washing mashin ang mga damit ko. Nagpalit din ako ng bed sheet at punta pati mga kurtina ay pinalitan ko din. Habang tumatakbo ang washing mashin ay naglinis naman ako ng silid ko tapos sinunod ko ang sala at ang kusina. Pumupunta pa rin naman dito si manang para sa mahan ako madal

