RAYVEN Nagmakaramdam na ako ng antok ay pumasok na ako sa loob, nakita ko si Marie, na mahimbing nang natutulog. Tumabi ako sa kanya at pinagmamasadan ko ang maamo at maganda niyang mukha. Ang mga labi niyang mapupula na parang ang sarap halikan at ang pisngi niya malambot na ang sarap hawakan. Naramdaman ko siyang gumalaw at natuwa ako nang kusa siyang yumakap sa akin. Parang gusto ko nang patigilin ang oras para lang lagi kaming magkasamang dalawa. Yumakap din ako sa kanya at ipinikit ang aking mata hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. Maaga akong nagising ngunit hindi pa ako bumabangon, naeenjoy ko pa ang pag yakap ko kay Marie. Wala siyang kamalay-malay na nakayakap ako sa kanya. Naramdaman kong gumalaw siya kaya nag kunwari na naman akong tulog, pinapakiramdaman ko kung ano ang

