THIRD PERSON Gabi na nang makauwi sila Rayven at Marie sa mansion nang binata. Hindi na din sila nagtagal sa kubo dahil sa nangyari sa dalaga. Pag pasok nila sa bahay ay agad din namang umakyat si Marie sa kanyang silid. Samantalang si Rayven ay pumasok sa kanyang Mini bar at agad naman siyang sinundan doon ni Jhay. "Kamusta lakad mo, Mayor? Sumakses ba?" tanong ni Jhay sa kanyang kaibigan. "Ang hirap pala nang ganito, yung hindi mo masabi ang nararamdaman mo sa babaeng gusto dahil bata ma siya. Sa tuwing kakausapin ko siya nauuwi kami sa asaran. Hindi ko alam kung sinasadya niya bang asarin ko oa manhid lang talaga siya." daing ni Rayven sa kanyang kaibigan. "Wala eh, anong gagawin mo kung mahal muna? Wala tayong magagawa mahal muna... Ebat adan eebat adan..." pang aasar pa sa kanya

