July 6 “SA WAKAS, binata na si Cielo,” si Domingez ‘yon. Ka-dorm ni Cielo. “Ha?” Abala ako sa pagtitig sa kawalan. Ewan ko, pero do’n lang ata ako magaling. “Sila na ba ni Sara?” si Domingez ulit. “Ano?” I snapped out of the void. “Puta, pare, dinala ni Cielo si Sara sa dorm tapos pinalabas ako,” anito na nakangisi pa. “Binigyan ako ng 200 mapalabas lang. Pero sabi ko another 200 pagbalik ko dahil ano namang gagawin ko sa Jollibee? Kakakain ko lang ng gabing iyon tsaka iyon lang malapit na tambayan sa amin. Ginawa ko bumili ako ng Happy Meal.” “Lumipat ka sa McDo?” tanong ko. “Hindi,” anito na nagtataka pa. “Iyong Happy Meal ng Jollibee. Iyong may laruan. Hindi ko lang alam kung anong laruan iyon. Pero nilaro ko siya kasi nga wala akong magawa, eh. Naiwan ko pa cell phone sa pagma

