Namamangha na nilibot ni Mia-Ashly ang kabuoan ng kamaynilaan mula sa kinatatayuan niya. Nasa harap siya ng wallglass sa condo unit na pag-aari ng kasintahan. Dinala siya ni Axel Jax sa condo unit nito sa Manila. Nagniningning ang buong paligid dahil sa mga ilaw na nagmumula sa mga sasakyan at sa nagtataasan gusali. "Like the view?" pagyakap sa kanya ni Axel Jax mula sa likuran niya. Matamis ang ngiti na nilingon niya ito. Pareho nakasuot sila ng roba. Bigla nag-init ang mga pisngi niya ng maalala ang pag-angkin nito sa kanya kanina sa malapad nitong kama. "Yes,parang mga bituin sila sa kalawakan," saad niya. Sumandig siya rito at mahigpit na yakap-yakap lang sya nito. "Natutuwa ako na kasama kita sa lugar kung saan ako lumaki," saad nito sa may leegan niya. Agad na dumapo ang kamay

