Hindi niya hinahayaan na lumipat ang bawat oras na hindi niya sinisigurado ang kaligtasan ni Axel Jax. Kahit isang linggo na ang lumilipas mula ng may sumunog sa inuupahan ng kasintahan patuloy pa rin siya sa pagbabantay sa kaligtasan nito. Kahit na magkasama sila sa isang bahay alerto pa rin siya. Mahina man na ituturing nila ang mga tao mga tuso din ang mga ito. Alam niya iyun sa tagal na niya sa mundong ito. Mulat siya sa pangyayari sa mundo ito na mismo rin ang mga tao din ang may gawa. Kasulukuyan siya nasa bintana ng tree house niya at nakatanaw sa pag-aari niyang unibersidad. Hinihintay niya matapos ang klase ng kasintahan. Natanaw niya mula sa malayo ang bulto ni Ma'am Nimfa. Palagian itong lumiliban sa trabaho pero may lagi itong rason na acceptable naman sa kaniya. Pinanuod ni

