"Magagawan ni ama ng paraan yan para makalimutan na niya ang nagawa niyang iyun lalo na ang damdamin niya para kay Sir Axel Jax,prinsesa.." untag ni Valerie ng ipaalam niya rito ang tungkol kay Andrea Mendes. Ang dalagang naging istudyante ng kasintahan na siyang sumira sa reputasyon bilang guro ng huli. Tumango siya. Alam niya na makapangyarihan ang dating panginoon ng mga lobo. "Kung hindi nakakaabala sa kanya," aniya. "Si Ama pa..si Mr.Cupid kaya yun,eh,si Ma'am Nimfa? Para wala ng hadlang sa inyo ni Sir Axel.." banggit nito sa guro. Ilang beses ng umaabsent ang guro sa kadahilanan na may importante itong inaasikaso. "Hindi na siguro,wala naman na siya ginagawa para ipilit niya ang sarili kay Axel.." aniya. Tumango ito. "Sabagay,sige,mahal na prinsesa..ipapaalam ko kay ama ang ip

