Wala sa isang tulad niya na prinsesa at isang lobo ang makaramdam ng takot. Pero naramdaman niya iyun habang sinisiwalat niya ang tunay niya pagkatao sa kasintahan. Hindi niya magawa tumingin ng deretso rito habang sinasabi ang lahat. Ayaw niya makita nito ang tunay na damdamin niya. Isa siya mahinang lobo ng mga oras na iyun. Ngunit,gayun na lang ang pagkabigla at pagsabog ng emosyon niya ng damputin ng kasintahan ang baso na sinalinan niya ng puting likido. Nag-init ang sulok ng mga mata niya at tuluyan siya naging emosyonal. Ganun siya kamahal ng lalaki itinakda sa kanya. "Kung ganun..ako talaga ang itinakda sayo," mangha saad ni Axel Jax. Marami pa siya sinabi rito. Lalo na ang pagiging mate nila. Kiming ngiti ang tinugon niya rito. Nakaupo siya patagilid sa kandungan nito. Pin

