ZOEY ''Hi, Zoey! How are you?'' ngiting bati sa akin ni Allysa sabay halik nito sa akin. Nasa resort na kami nila Dr. Villega. Naunang dumating sina Gabriel at Allysa. Dahil hinintay pa namin na umalis sina Mommy at Daddy. Sabik kasi silang makipagkulitan sa mga apo nila. Sumunod na lang kami ni Raydin at ng mga bata sa resort na pagmamay-ari ni Dr. Villega. ''Mabuti naman ako Allysa. Magkapit bahay pala tayo. Minsan pasyal ka sa bahay, ha?'' nakangiti kong sabi sa kaniya. ''Sure, ikaw din. Ito na ba ang mga anak ninyo ni Raydin? Oww.. Ang popogi nila,'' manghang sabi ni Allysa at isa-isang pinisil ang mga pisngi ng bata. Si Raydin at Gabriel naman naman ay nag-uusap sa 'di kalayuan sa amin ni Allysa. ''Hi!'' bati ni Zoeren kay Allysa. ''Ang cute niyo!'' Gigil ni Allysa sa mga bata.

