Chapter 43 Allysa Pov Nagising ako na mabigat ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay nasa ibang dimension ako ng mundo. Unti- unti kong iminulat ang mga mata ko. Pero ibang silid ang nakikita ko isang puting kisami at off white na kulay ng pader at may malaking kurtina na kulay puti at itim. Ang gamit sa loob ng silid ay puti at itim lang. Gusto kong tumayo pero nakatali ang mga kamay ko. Kaya bigla akong nag-histerical. Na-alala ko ang nangyari. May kung sinong tumakip sa ilong ko kahapon at bigla na lang ako nahilo. Sino naman kayang baliw ang gumawa nito sa akin? kung kidnap for ransom ito. Puwes! ang malas niya. Dahil wala naman siyang maku-kuha sa akin. Pero na-alala ko na nagkrus na pala ang landas namin ni Gabriel kagabi. Posible kayang siya ang may kaga-gawan nito? Ano kaya

