Chapter 38 Sheina Pov Nagmamadali akong iligpit ang mga damit ko sa isang maleta sa pent house ng kapatid ko. Gusto kong makalayo 'yong malayong malayo sa lugar na ito. Ayaw kong makita kahit isa sa mga taong narito sa lugar na ito. Pagkatapos kong magligpit nag- iwan ako ng sulat kay Gabreil. Gabreil, Sorry kung hindi na kita hinintay, gusto ko ng lumayo sa lugar na ito. 'Wag niyo na akong hanapin pa. Sorry kung naka-abala ako sa 'yo nasa akin na lagi ang atensyon mo. Gusto ko magkaroon ka ng masayang pamilya gusto ko maglaan ka ng oras sa asawa mo kay Allysa. Alam ko mahal ka niya dahil kung hindi, hindi niya ako sasabunutan na parang inagaw kita sa kaniya. Kaya sana magkaroon ka ng masayang pamilya. Hindi katulad ko na wala ng pag - asa sa amin ni Liam dahil may iba na siyang pi

