Chapter 44 Sheina Pov Nagsisi tuloy ako na hindi ako nagsaing kaagad. Akala ko kasi sumama siya kay Gabreil 'yon pala sumama siya kay tita sa burol para mamitas ng gulay at kumuha ng panggatong . Nakikita ko sa mga mata niya na parang malungkot ito. Kumuha siya ng palakol na dati nilang ginagamit ni papa kapag nagsisibak sila ng kahoy. Gusto ko siya pigilan na hindi na muna magsibak dahil alam ko pagod siya. Pero ayaw bumuka ng bibig ko. " Fabio kumain ka muna!" Sigaw naman ni tita na galing sa gilid ng bahay. "mamaya mo na 'yan ipagpatuloy hindi ka pa nakakain simula kagabi." Saad pa ni tita. Napakagat ako ng bahagya sa ibabang labi ko sa narinig. Lalo tuloy ako nakonsensya ng sabihin ni tita na wala pa siyang kinain. "Ayos lang po tita kaya pa naman tapusin ko lang 'to. " sabi

