Chapter 99 LANCE Pagdating namin ni Gabriel sa palingke ay tamang-tama na may bagong mga isda ang nilalabas galing sa timba na malaki na may takip. "Bro, may nagbibinta ba ng damo ng dagat rito?" tanong ko pa kay Gabriel. "Subukan natin, Bro. Magtanong tayo dapat si Liam ang isinama mo, eh. Hasler sa dagat 'yon," ani Gabriel at nameywang pa ito. "Oo, nga ano? Bakit hindi ko naisipan ang isang 'yon? Pero kapag wala tayong makuha rito yayain natin si Kuya Liam," nakangising sabi ko pa kay Gabriel. Nag-ikot-ikot pa kami sa palingke ni Gabriel saka nagtanong ako sa isang tindera roon. "Ali, may tinda po ba rito na damo ng dagat? 'Yong ginagawang gulaman?" tanong ko. "Ahhh... 'Yong latok-latok ba ang hinahanap mo, iho? Ito, oh! Mayroon ding ganito," turo naman ng matanda sa akin

