Synopsis Ako si Clara Delfin nag-iisang anak ni Luciana at Henry Delfin , 25 years old. Wala na ang papa ko at ang mama ko na lang ang minsang kasama ko sa buhay. Nakatira kami sa Isla Delmonte na pagmamay-ari nila ng tito ko na si Tito Luciano. Pero dahil patay na ang tito ko at ang anak naman nito na si Sheina Del Monte ay may asawa na. Si mama na lang ang naiwan sa isla kasama ang pinsan kong si Tonton. Kung ang dating buhay ko ay masaya, simple at umiikot lang sa mama ko, ngayon ay para akong tinakluban ng langit at lupa. Mula nang makilala ko ang lalaking lubos kong minahal, pinagkatiwalaan at ibinigay ang pagkatao ko nang buong-buo ay nasira na ang buhay ko. Akala ko ito ang lalaking matagal ko ng hinahanap. Akala ko siya ang lalaking magbibigay sa akin ng masayang pamilya subalit

