“YOU REALLY love the kids, huh?” Ipinagpatuloy ni Agatha ang pagtse-check ng worksheets ng mga estudyante. Nasa kusina silang dalawa ni Jaco. Abala ang binata sa pagluluto ng ipinangakong spaghetti. Kanina pa pala ito nasa bahay at naisama pa si Yogo sa grocery store. Bago iyon ay binasahan pa ng binata ng isang chapter ng Harry Potter ang bata hanggang sa makatulog. Pagkagaling sa grocery store ay tinulungan pa nito si Yogo sa paggawa ng homework. Nang mag-angat ng tingin sa ginagawa ay natagpuan ni Agatha si Jaco na nakatingin sa mga bata na abala sa panonood ng pelikula sa sala. Kasama nina Yogo at Xena ang tatlong batang tinuturuan. Ang alam ng mga magulang ng tatlo ay may tutor lessons sila ngayon. Hindi siya nagi-guilty sa ginagawa. Sa palagay niya ay deserved ng mga bata na mag-en

