DINALAW nilang lahat ang puntod ni Sunshine. Ayaw ni Agatha na makalimutan ng mga bata ang “naynay” ng mga ito, kaya sinisiguro niya na kahit na abala ay naisasama ang mga bata roon. Sa pagkakataon na iyon ay kasama rin nila sina Jaco at Paulino na mas umiigting ang kompetisyon habang lumilipas ang mga araw. Ano man ang gawin ng isa ay hinihigitan ng isa. Noong una ay naaaliw pa si Agatha, ngunit habang tumatagal ay napapaisip na siya. Hindi niya maaaring patagalin nang husto ang pagdedesisyon kahit pa natutuwa siya sa mga ginagawa ng dalawa. Ayaw niyang nagpapaligsahan din sina Xena at Yogo. Nahihirapan siyang magdesisyon dahil pakiramdam niya ay kailangan din na mamili sa dalawang anak. In all fairness naman kina Jaco at Paulino, sinisikap ipakita ng dalawa sa mga anak ang mas positibo

