“XENA has an excellent idea, Agatha.” Sinubuan muna ni Agatha si Yogo bago ibinaling ang tingin kay Paulino na katabi si Xena. Nasa isang restaurant sila at naghahapunan. Katatapos lang ng exams kaya naisipang i-treat ni Paulino ang mga bata sa labas. “Ano?” Napatingin siya kay Xena na ngiting-ngiti. Komportable na ang bata kay Paulino. Hindi naman kasi ipinaparamdam ni Paulino kay Xena na iba ito. Hanggang maaari, binibigyan ng binata ng magkaparehong atensiyon ang dalawang bata kapag magkakasama ang mga ito. “She wants to sleepover this weekend. Iyon ay kung papayag ka. Susunduin ko si Xena ng Biyernes ng hapon at ako na ang bahala sa kanila. Sa Lunes ng umaga ko na ihahatid si Xena.” Hindi kaagad nakatugon si Agatha. Napatingin siya sa mga anak na puno ng pananabik ang mga mata. Muk

