PAGKALIPAS ng tatlong linggo ay nilisan ni Jaco ang Pilipinas. Wala nang nagawa si Agatha. Tatlong linggo niyang hindi kinausap ang binata. Hanggang sa makaalis ito ay hindi sila nagkaayos. Hindi lamang siya ang labis na nalungkot at nagalit sa pag-alis nito, maging si Xena. Tanging si Yogo ang nagawang umintindi sa pag-alis ni Jaco. “Ang sabi naman po niya babalik siya.” Ang akala marahil ni Yogo ay ilang tulog lang at magbabalik na si Jaco. Si Xena ay katulad niya ng nararamdaman, labis ang pagtatampo nito sa ama. Pakiramdam din ng anak ay inabandona sila ni Jaco. Sinikap ni Jaco na ipaintindi sa mga bata ang sitwasyon, ngunit hindi ito gaanong nagtagumpay. Pag-alis ni Jaco ay napansin ni Agatha na palagi na lang malungkot ang magkapatid. Kinausap niya ang dalawa sa pagsusumikap na ip

