MASYADONG naaliw ang dalawang bata sa pakikipaglaro kay Jaco kaya medyo nahuli ang mga ito sa pagpasok. Hindi naman maituturing na late ang dalawa, ngunit wala nang gaanong panahon si Agatha na ihatid ang dalawang anak sa kanya-kanyang classroom. Kaya naman si Jaco na ang naghatid kay Xena sa classroom nito habang si Agatha naman ang naghatid kay Yogo, pagkatapos ay dumeretso na sa sarili nitong classroom. Napansin ni Jaco na hindi lang siya ang magulang na naghatid sa kanya-kanyang anak. Naupo siya sa harap ni Xena at siniguro na maayos na maayos ang uniporme nito at buhok. His princess was the loveliest of all the grade one pupils around. His heart proudly swelled. “Galingan mo sa school, ha? Make friends.” Alam niya na hindi iyon ang unang araw ng eskuwela at malamang na marami nang k

