CHAPTER 6
Ang ganda ganda naman dito, mamahalin ang mga pagkain at siguro ay masarap pa.
Mag katabi kaming mag ka upo ni Nicholas, habang hinihintay ang Mr. Ellis na kikitain nya ngayon.
"Bakit ba kayo mag didinner?" Tanong ko.
"Manahimik ka nalang nga, nandyan na sila." Bulong ni Nicholas kaya napa tingin ako sa tinitignan nya.
Tumayo siya kaya tumayo nalang din ako.
"Nice to meet you again, Nicholas." Panimula nung Mr. Ellis.
May katandaan na din ang itsura niya nya pero hindi naman yung matanda na matanda na. May kasama siyang lalaki na anak.
Umupo na sila kaya umupo na din ako. Tapos na kasi sila mag batian.
"Wala kasi ang papa mo, kaya ikaw nalang ang pinunta ko." Simpleng paliwanag ni Mr. Ellis, mabuti hindi sinusugod si Nicholas ng mga fans nya ngayon dito.
Kung sugudin man nila ay papaalisin sila dito. Habang nag uusap sila ay nilalapag na sa lamesa ang mga kakainin namin.
Napa tingin ako sa anak Mr. Ellis na abala sa kaniyang cellphone at parang walang paki sa paligid.
"Before we eat. Sino muna ang magandang babae na kasama mo? Is she your girlfriend iho?" Tanong niya at napa tingin ako kay Nicholas.
"No, she's not. She is just my personal assistant. Sinama ko siya dito. Her name is Hazel." Confident na paliwanag ni Nicholas. Grabe parang walang tinatago.
Napa tango si Mr Ellis. At inalok ang kaniyang kamay. Kaya tinanggap ko yun at nakipag kamay.
"This is my son by the way." Ngiting pakilala niya sakin. Nakipag kamay din yung anak niya at tinanggap ko din naman agad.
Pag tapos nun ay kumain na kaming lahat.
Habang nag pupunas ng tissue si Mr. Ellis ay may napansin siguro siyang kakilala niya. Nag exuse me siya samin at pumunta sa kakilala na yun.
Muli akong tumingin sa pag kain at kinuha ang tubig para uminom. Binaba ko ang tubig.
"Tissue?" Nagulat ako sa tanong nung anak ni Mr. Ellis. Kinakabahan ko namang kinuha ang tissue at pinunas ko sa bibig ko.
"Thank you." Pasasalamat ko naman.
"Ikaw ang pinaka magandang babae na nakita ko. Number?" Mapalaro niyang bigkas.
Napa tingin ako kay Nicholas na seryoso ang pag mumukha. Muli akong tumingin sa anak ni Mr. Ellis, mag sasalita na sana ako pero bigla niya ako pinutol.
"Single ka ba? If oo. Pwede tayo mag—"
"No. She's not available for your bullshits Ethan." Putol naman ni Nicholas kay Ethan.
"Sandali? Ikaw ba tinatanong ko?" Palaban na tanong ni Ethan.
"No, but she's my p.a leave her alone." Kalmado namang sabi ni Nicholas. Naramdaman ko ang kaniyang kamay na gumagala sa aking bewang.
Napalunok ako kasabay nun ang pag bilis ng t***k ng aking puso at pag init ng aking pisngi.
"P.a mo lang naman yan. Hindi mo naman siya girlfriend. Tsaka bakit kaba nakikisali? Hayaan mo siya mag desisyon!" Giit ni Ethan.
"Ako ang mag dedesisyon sa lahat. Kung anong akin. Akin lang." Madiin na sagot ni Nicholas kay Ethan.
"What's happening here?" Tanong ni Mr. Ellis na kadarating lang.
"Nothing Sir." Sagot ni Nicholas na parang wala talagang nangyari.
Mayamaya pa ay umuwi na kaming dalawa. Wala masyadong tao sa parking lot kaya hindi na niya tinago ang pag mumukha niya.
Kitang kita ko ang pag ka bad mood ng kaniyang mukha.
"May problema ba?" Kinakabahang tanong ko.
"Obvious ba?" Napa tikom nalang ako ng bibig ko. Huminga siya ng malalim at napa iling pa.
"Anong problema ba yun?" Tanong ko sakaniya.
"Hindi mo ba alam?" Inis nanaman niyang tanong.
"Nag seselos kaba?" Tanong ko sakaniya na ikinatigil niya mag lakad.
"What the f**k Hazel?" Inis nyang sagot sakin kaya medyo natawa ako.
"Sorry naman. Masyado kasing halata na nag seselos ka." Pabirong sabi ko napa irap siya sakin at umiling pa.
Nag lakad na siya ulit kaya sinundan ko siya. Naka pasok na kami sa sasakyan nang may bigla nag text sakin.
"Hazeeeeeel" Mahabang text niya sakin.
"Ano?"
"Kelan ka daw free?"
"Sino nag tanong?"
"Ako hehe."
Medyo natawa ako ako dahil dun.
"Bakit ka naka ngiti dyan?" Tanong ni Nicholas sakin na hinarap ako.
"Wala! May nag text lang." Sagot ko.
"Siguro si Ethan yan?"
"H-hindi. Bakit naman magiging si Ethan?" Tanong ko.
"Sa bahay na tayo mag usap." Hindi ko na replyan si Gio dahil dun. Mabilis ang pag papatakbo niya ng sasakyan. Halata ang galit na galit niyang mukha.
"Just tell me kung may iba ka ng gusto, pwede ka naman umalis sa bahay ko!"
"Wala nga akong iba, ano pa ba ang gusto mo?" Sagot ko sakaniya. Nilakasan ko lang ang loob ko para sumagot sa mga binabato niya sakin.
"Mas mabuti pa nga na may iba kana para hindi mo na pinag sisiksikan yang sarili mo dito sakin. Tsaka bakit ka pa ba bumalik?!" Natigil ako sa mga naririnig ko.
Namuo ang tubig sa mga mata ko dahil sa narinig ko.
Hindi ako nakapag salita at tinanggap lahat ng mga sinabe niya. Bumuhos ang luha ko.
"I'm trying my best. Para sayo." Mahina kong sambit at alam kong narinig niya yun.
Pinunasan ko ang luha ko.
Agad ako umalis sa harap niya habang pinupunasan ng kamay ko ang mga tubig na pumapatak mula sa mata ko.
"Hazel, i didn't mean to say that." Utal niyang paliwanag pero tuloy tuloy padin ako sa pag lalakad ko papunta sa kwarto.
Ng makaakyat ako ay agad ko sinara at nilock. Ano ba naman yan. Pag tapos niya sabihin ang masasakit na salita na yun ay gaganyan na agad agad siya sakin?
"Hazel. Yes nag seselos ako." Hindi ko narinig ang sinabe niya dahil sa aking pag hikbi. Nakaka inis pero alam ko pag gising ko mahal ko padin siya.
"Ayokong makita kang umiiyak.." Narinig ko ang sinabi niya. Edi sana tratuhin niya ako ng tama para hindi ako umiyak. Dapat hindi niya ako pinapaiyak
"Hazel? Open the door." Kinakalikot nya ang doornob pero naka lock yon.
Sana malabanan ko ang karupukan ko, para hindi ko mabuksan ang pinto na yan.
"I'm sorry Zel. Please don't cry.."