Tessa Pinaupo ako sa sofa sa opisina ni Sir Renz. Kaagad niya akong dinaluhan samantalang si Darius ay tiim bagang na pinapanood ang bawat kilos ko. "What happened to you, Tessa? Bakit ba ang lamya lamya mong kumilos?" Pagalit na sinabi ni Sir Renz sa akin. Para akong nawalan ng salitang sasabihin. It's just that I can't find words to say to my boss. My mind's just filled with thought of the man na tinakbuhan ko noon at nandito na sa aking harapan at seryoso akong tinititigan. "B-Bigla lang pong... sumakit yung kamay ko," I reasoned out. Napalunok pa ako nang muling magtama ang mga mata namin ni Darius. His eyes were pitch black. Para bang agila ang kaniyang titig, naghihintay ng tamang oras para dagitan ang kaniyang biktima. "Maybe your secretary saw something that shocked her, Mr

