Tessa "You still in there?" I asked when I didn't hear anything from him mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kakabahan dahil sa reaksiyon niya. "I... I'm still h-here," nauutal niyang sinabi. He picked up his phone na nasa lapag. Mabuto ay hindi ako napasigaw kaninang bumagsak iyon! "Ayos ka lang ba? Namumutla ka..." puna ko nang sa wakas ay nakita ko nang muli ang kaniyang mukha sa screen. "Tell me you're not kidding, please? T-Totooo bang... sinasagot mo na ako?" Halata ang kaba sa kaniyang boses. I never imagined him to be like this. Palagi siyang seryoso sa iba pero bakit kapag ako, parang iba? "Ayaw mo ba? Gusto mo bawiin k—" "Of course not!" Putol niya kaagad sa sasabihin ko. Mas lalo akong napangiti. "I wish I was there so I can kiss and h

