Kabanata 4

1155 Words
Tessa "Kamusta ka naman diyan, 'nak? Yung amo mo? Maayos naman ba?" Si mama nang kinabukasan ay tumawag siya. Ayokong nagsisinungaling sa kanila pero ayaw ko rin namang dagdagan ang pabigat sa buhay nila.  "M-Maayos po ako, ma. Kayo diyan? Si papa?"  "Nasa bukid ang papa mo, yung mga kapatid mo naman, nag-aaral," sabi ni mama.  Pagkatapos ng kamustahan ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Lumabas ako ng silid at iniwan si Santino roon na tulog pa. Doon kasi siya natulog kagabi dahil natatakot daw siya na baka iwan ko na naman siya kahit pa nangako na akong hindi ko na iyon gagawin. Pero hanggang kailan naman kaya iyon?  Abala ang mga kasamabahay sa kani-kanilang mga gawain pero nagagawa pa akong batiin nang madaanan ko sila. Kung hindi ako bumabati pabalik ay ngumingiti na lang ako sa kanila.  "Ano hong puwede kong maitulong sa inyo?" Tanong ko sa isang kasambahay noong nakarating ako sa hardin para makalanghap ng sariwang hangin. Alas sais pa lang ng umaga kaya malamig pa ang simoy ng hangin na tumatama sa aking balat.  "Ay naku! Huwag na hija, lalo na't nariyan si sir, baka makita niyang pinag-tatrabaho ka namin at magalit pa iyon," aniya nang hindi man lang ako binabalingan. Nagpatuloy siya sa pagwawalis.  "Hindi po. Ayos lang sa akin at saka… parang nakakahiya naman po kung wala akong gagawin," I insisted pero imbes na sumagot ay inginuso niya lamang ang ikalawang palapag ng mansion.  Kunot-noo ko iyong binalingan at nakita kong naroon si Darius. Should I call him sir, too? Well, I am being payed so I must. Kaya rin siguro takot ang kasambahay na ito.  May kausap siya sa cellphone pero ang mga mata ay nakatuon sa akin. Nakatuko ang isa niyang palad sa railing ng veranda. He's topless and made me a bit uneasy. Okay lang kaya para sa kaniya na makita ko siyang gan'on o kailangan kong mag-iwas ng tingin?  Sa huli, pinili kong mag-iwas ng tingin. Imbes na ipilit ang gusto ko ay iniwan ko na lang ang abalang kasambahay roon at naglakad pa palayo para mapasyal ang sarili sa kalakhan ng buong mansion.  Maraming mga tauhan ang naroon, may mga hardinero rin akong nakita na dinidisenyohan ang mga iba't-ibang uri ng mga halaman.  Hinawakan ko ang bulaklak ng gumamela sa tapat ko, hilig ko talaga ang bulaklak na ito. Pipitasin ko na sana nang may kumalabit sa akin.  "Miss, pinatatanong ni sir kung kumain ka na raw ba?" Anang kasambahay.  "Maaga pa naman po kaya hindi pa. Sasabay na lang ho ako kay Santi mamaya, pakisabi na lang po," sabi ko. She nodded before she left. Hindi ko na pinitas iyong bulaklak dahil bigla akong naawa.  Limangpung-minuto ang ginugol ko sa pagiikot sa buong lugar. May mga hindi pa ako napuntahan at pagod na rin ako kaya bukas na lang siguro o sa mga susunod pang mga araw.  Pagdating ko sa b****a ng malaking pinto ng mansion ay naroon si sir Darius. Nakahilig sa hamba ng pinto habang nakapamulsa at mataman akong pinagmamasdan. I suddenly felt the awkwardness kaya naman napalingon pa ako sa likod ko at baka nag-aassume lang pala ako na ako ang tinitignan niya. Nang walang nakita ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.  "Morning," bati ko sa kaniya kahit 'di ko naman feel ang sinabi ko.  Hindi siya sumagot kaya mas lalo lang akong nakaramdam ng awkwardness.  Nagkibit na lang ako ng balikat. Kung sabagay, hindi naman kasi iyon required lalo na at amo pa siya.  "The next time you want to roam around, ask me so I could tour you," matigas ang boses niyang wika.  Nagsalubong ang aking mga kilay.  "Busy ka kasi at saka… di naman kailangan 'yon, I… I am your employee, sir." Diniinan ko pa ang huli kong salita para mapansin niya rin.  "Boss can't tour their employees?"  Napapikit ako. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi.  "That's not what I mean, sir." "Also, you're not an employee here."  "Anyone that's paid by their boss is an employee, sir."  Baka pa ay mapatalsik kaagad ako rito kaya kailangan ko talagang manahimik. Dahil kapag nangyari iyon, talagang sa park na naman ang bagsak ko nito!  "What have we discussed yesterday? I am pretty sure you understood those right."  Tumango na lang ako kahit may gusto pa akong sabihin. Pinisil ko na lang ang kamay ko para pigilan ang sarili.  "Yes, sir." I cleared my throat.   "I'll tour you more tomorrow," pinal niyang saad. "Saan na ba ang napasyalan mo?" Pahabol niya.  "Garden pa lang, sir."  His jaw tightened.  Galit ba siya kahit doon lang?  "So, you like flowers?" He asked.  Hindi ko talaga alam kung bakit sa laki ng mansion na ito ay sa b****a niya pa napiling mag-usap. Pasimpleng tingin na ang ginagawa sa amin ng mga kasambahay pero wala man lang siyang pakialam.  "Yup," I responded casually.  Tumango siya. Akala ko ay buong maghapon na kaming mananatili lang doon. Mabuti na lang talaga at dumating si Aling Redora para ipaalam na hinahanap na ako ni Santino sa aking pansamantalang silid.  Maayos naman akong nagpaalam at mabilis na pumanhik sa ikalawang palapag para daluhan ang umiiyak na namang si Santi.  "You said you won't l-leave…" iyak niya kaya mahigpit ko siyang niyakap.  "Oo nga… see? I am still here? Nag-roam around lang ako," paliwanag ko kaya kahit paano ay tumahan naman siya.  "Are you hungry?"  Dahan-dahan siyang tumango nang hindi ako binibitawan. Hinimas ko ang kaniyang buhok at kinarga siya.  "Anong gusto mong breakfast? Magluluto ako," sabi ko sabay ngiti. Inamoy ko rin ang kaniyang leeg. Amoy bata! Ang bango!  "Hmm…" Inilagay niya ang kaniyang hintuturo sa kaniyang baba at napatingin sa taas na para bang nag-iisip bago ako sinagot. "I want lots of bacon and… and omelette po!" He excitedly said.  Okay, kaya ko naman iyon dahil naturuan naman ako ni mama ng maayos pagdaring sa kusina.  "Noted, baby. Lots of bacon and omelette." Sumaludo pa ako.  Natigilan siya kaya gan'on din ako. Ilang sandali niya akong tinitigan bago siya lumabi. Napasinghap ako nang makitang unti-unting nanubig ang kaniyang mga mata.  "B-Bakit? Why are you crying?" Kinakabahan kong tanong dahil baka may nasabi ako pero naisip kong wala naman?  Mas lumakas ang kaniyang iyak nang ibaon niya ang kaniyang mukha sa aking leeg at niyakap ako nang mahigpit.  "Y-You called me… baby!" Sabi niya sa gitna ng kaniyang mga hikbi.  "Ayaw mo ba n-n'on? Sige… hindi na pala kita tatawagin—"  "That was the first time someone called me that. I thought Mommies from TVs are the ones who are allowed to say that," he added.  Parang may kung anong tumutusok sa puso ko dahil sa dumaang sakit. Kung gaano kalaki ang pagmamahal na ipinaramdam sa amin ng mga magulang namin, ganoon naman kakulang ang naramdaman ng batang ito.  "Of course! B-Baby kita, e…" I said as I caressed his back to comfort him. I hugged him tighter for him to feel that I care for him. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD