Kabanata 14

1022 Words

Tessa Totoo pala na kapag masaya ka, mabilis lang na lumipas ang mga araw. Hindi namin namamalayan na uuwi na kami ngayong araw na ito, muli na namang haharapin ang realidad. Nasa restaurant kami ngayon ng resort para kumain ng breakfast. Alas sais pa lang ng umaga pero marami nang tao. Maaga rin kasi kaming tutulak para hindi masyadong abala ang daan kapag bumyahe na kami. Habang abala sa pagkain ay panay ang linga ko sa paligid. Sinasaulo ang bawat detalye ng lugar dahil baka huli ko na ito rito. Ma-mimiss ko ang napakagandang lugar na ito, sigurado ako roon. Patapos na kaming kumain nang biglang may lumapit sa amin na isang babae. She's tall and elegant looking, iyon kaagad ang una kong napansin. Para siyang modelo dahil sa kinis ng kaniyang maputing balat. "Look who's here..."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD