Tessa "Lahat naman ng tao nakakaranas ng lagnat kaya huwag ka ngang over reacting diyan. At saka... lumayo ka nga, baka mamaya mahawa ka pa," pagbibiro ko sabay tulak sa kaniya pero mas humigpit lang ang yakap niya sa akin. "I don't care. Just let me hug you for a second, please?" He pleaded. "Ang clingy mo naman..." "Ano naman ngayon? Don't tell me ayaw mong niyayakap kita?" Ngumuso ako para pigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi. "Gusto..." "Then let me hug you some more. I'm tired and worried. Panatagin mo naman ako." "Wala na nga akong lagnat. Huwag ka ng mag-aalala. Di bagay sa'yo. Para kang tarsier kung makayakap. Chancing ka lang naman." Panunudyo ko pa lalo but I just received a groan from him. Wala siyang imik at nanatiling nakayakap sa akin. Hinayaan ko na lan

