Writer's Note: Mas kinikilig po ako sa mga comments niyo kesa sa kilig na nararamdaman niyo sa story. Thank you! Third Person Tessa still couldn't get over what she just heard. Kahit pa noong kumakain siya ay hindi niya iyon mawaglit sa isip niya dahil sa mga hagikgik ng mga kasambahay sa kaniyang paligid. "Sayang talaga, Madame at hindi kayo nagsabay kumain ni Senyorito. Siguro susubuan ka n'on habanh kumakain kung nagkataon." Anang isang kasambahay na parang binudburan ng asin kanginginig. "Oo nga, 'no? Mukhang terror lang si Senyorito Darius pero sweet naman siguro siya kasi tignan mo si Madame, o? Mukhang dilig na dilig!" Walang ibang nagawa si Tessa kung hindi ang ngumiwi sa usapan ng dalawa. She felt conscious but she can't say anything dahil sa hiya. "Ano ka ba? Tumigil ka

