Tessa Sinabi ko mang hindi ako makakatulog, nagawa ko pa rin dahil sa tagal at layo ng biyahe. Naalimpungatan lang nang nakarinig ng mga hindi pamilyar na boses sa paligid at iilang nga halakhakan. "Hindi ka ba natatakot, dude? This is kidnapping you know?" Kunot ang noo kong iginala ang tingin ko sa buong paligid. My jaw dropped when I noticed the yatch and ships. Pati ang mga kalalakihan sa paligid. Ano 'to? Ano'ng ginagawa namin sa port na ito? That's when everythung dawned into me. Nagkukumahog akong kumilos para buksan ang pinto ng sasakyan pero napaatras ako nang narinig ang alarm nito. The car was locked. At dahil sa pagbukas ko ay tumunog ang alarm nito. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa labas. All eyes were on me at the moment. Mas lalo akong napaatras. May nam

