Chapter 47

1806 Words

Mula pa sa katabi ng baso ay iyong singsing na ibinalik ko sa kaniya nakaraan. Hindi na ako nag-isip pa at mabilis iyong kinuha at itinago. Sa gabing iyon, kahit papaano ay naging maayos ang tulog ko. Kinabukasan nang magising ako sa kaparehong dahilan, mabilis akong bumangon at saka patakbong nagtungo sa banyo upang doon ulit ilabas ang sama ng loob. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman ngayon. Parte pa rin ba ito ng lagnat ko kahapon? Lahat na yata ng kinakain ko sa gabi ay siya ring niluluwa ko sa umaga, kaya minsan ay hindi na ako ganoon karami kumain at tantyado ang mga kinakain. Madalas pa ay ayoko ng lasa ng mga pagkain na dati ko namang gusto at paborito. Maamoy ko pa lang ay para na akong masusuka, bumabaliktad ang sikmura ko. Inabot ako ng ilang minuto sa banyo, nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD