Wala pa mang isang minuto nang halos mapatalon ako sa gulat nang may kumatok mula sa pintuan ng apartment, saka pa gumalaw ang doorknob. Huli na para maisarado ko iyon dahil naunahan na akong bumukas iyon. Magkasabay na nanlaki ang mga mata naming dalawa ni Levi, sandali pa siyang natigilan at natulala sa mukha ko. Hawak nito sa kamay ang spare key na siyang ibinigay ko noon sa kaniya. Kitang-kita ko pa ang pagtataas-baba ng dibdib nito, halatang tumakbo ito paakyat dito sa apartment ko. Bakas pa sa parehong mata nito ang labis na pagkabalisa, higit doon ay ang pag-aalala. "S—Stacy," alanganing banggit niya, bago unti-unting naglakad palapit sa gawi ko. Sa kawalan ng lakas upang gumalaw ay nananatili ako sa pagkakatayo ko hanggang sa tuluyang makalapit sa akin si Levi. Doon ay dinig na

