Puno ng mga bulaklak ang kuwarto ni Amira. Welcome gift iyon ng mga empleyado na sumalubong sa kanya sa Banal Mining Corporation at ibinigay sa kanya habang nag-iikot siya. Kada department ay may alay din na prutas o kaya ay lutong pagkain. Kundi pa niya ipinahain lahat sa canteen para mapagsaluhan ng lahat noong tanghalian ay baka tambak din ang mga iyon sa opisina niya. Marami sa mga ito ay hindi nakadalo sa libing ng lolo niya. Pero mararamdaman pa rin ang pagluluksa ng mga ito. Bagamat nalulungkot daw ang mga ito sa pagpanaw ng lolo niya, masaya daw ang mga ito dahil naroon siya para maging bahagi ng kompanya. Isang bagong henerasyon ng mga Banal. At umaasa daw ang mga ito na mas uunlad ang kompanya sa mga kamay niya. Ngiti lang ang naisagot niya. Di kasi niya garantiya kung anong

