Nagsalubong ang kilay niya at nilingon ito. “Sinasabi mo ba na ipokrita ako dahil dati ayaw ko na tanggapin ang mana tapos ngayon ay gusto ko nang makuha iyon?” Pumalatak ang binata. “Amira, Amira, Amira, wala akong masamang ibig sabihin. It is just a normal remark. Stop putting words into my mouth. Sa maniwala ka at sa hindi, masaya ako na naa-appreciate mo ang pamana sa iyo ni Don Alfonso. Na nakikita mo ang value ng lupain ng mga ninuno mo. Naa-appreciate mo ang kultura ng Sagada. You are embracing it.” Humalukipkip siya at iniwas ang tingin dito. “Stop patronizing me, Francois.” “Iyan ang ayoko sa ugali mo. Wala nang tama sa iyo. Why do you love pushing people away? Ang isang normal at maayos na conversation kailangang maging malaking battlefield sa iyo.” “Hindi lang maalis sa isip

