Hanggang sa pagtawid ng ilog ay ihinatid siya ng ibang mga Lambayan sa pangunguna nina Tamika at Kimea. Si Atik ang naghatid sa kanila hanggang makatawid sila ni Francois sa ilog. Pagtawid nila ay nakaantabay na ang ilang pulis at security ng Banal Mining. Naroon ang head ng project site ng Lambayan, si Attorney Ferrer at maging ang ama ni Francois na si Romualdo ay nakaabang din at hindi maipinta ang mukha. “Maraming salamat, Atik,” sabi ni Amira sa mandirigma. “Huwag kang mag-alala, Amira. Kaisa mo kami sa pagnanais mong mag-aral ang mga Lambayan sa Kanayama,” sabi nito at bumalik na sa kabilang bahagi ng ilog. Sila ni Francois ay kailangang harapin ang mga problemang nakaabang sa kanila. “Amira, are you okay?” tanong agad sa kanya ni Attorney Ferrer. “Hindi ka ba nila sinaktan?” “

