NADAMA ni Amira ang unang tagumpay nang sa wakas ay aprubahan ng board ang pagpapataas sa medical benefits ng mga minero dahil na rin sa report na ipinasa niya noon. Sa palagay niya ay paganda nang paganda ang araw na iyon. Iyon ay hanggang bumuka ang bibig ni Caridad. “Now that we gave additional benefits to the miners and we have a bit of adjustment in our funding, perhaps we can start exploring the Lambayan mining site extension. Let’s start exploring,” nang-aasar itong tumingin sa direksyon niya, “Kanayama.” Awtomatikong tumayo si Amira. “Hindi ako papayag na galawin ninyo ang Kanayama. That is a protected site for the Lambayans. Their sacred land.” “We have papers…” panimula ni Romualdo subalit sinalungat agad niya. “That won’t mean anything once the Lambayans fight for their righ

