asulyap-sulyap si Amira sa kabilang mesa kung saan nakaupo si Candice at iba pang anti-mining group habang nagpapatuloy ang talk. Nasa mesa na siya ngayon ng Banal Mining. Madalas siyang hingan ng opinyon ng mga kasamahan sa mesa o kaya ay tanungin. Everyone wants to know more about the Banal heiress. She didn’t give a fig about them really. Gusto niyang makausap ang kaibigan. Nang lumabas ito ng conference room para sa hapunan ay sinundan niya ito. Naabutan niya si Candice na pasakay ng elevator. Sila lang ang tao doon dahil halos ang lahat ay patungo na sa banquet hall. “Candice, can we talk?” tanong niya. “No. Makipag-mingle ka na lang sa mga pro-mining na mukhang amaze na amaze sa pagiging heredera mo. Kulang na lang ilagay ka nila sa pedestal at gawing bagong santa. Parang nakalim

