“I want the special projects proposal to be submitted on Monday. Gusto kong habang maaga makapili na tayo ng magandang proposal na ihaharap natin sa board of directors. We will have video conferences every now and then. Get ready to make revisions,” bilin ni Amira habang kausap sa Bluetooth ng cellphone niya ang sekretaryang si Brynette. Abala na siya sa pag-eempake noon at alas otso na ng gabi. Bukas ng alas singko ang alis niya pabalik ng Sagada dahil may bonding silang magkakapatid. Wala siyang planong magpatalo kay Caridad. “Yes, Ma’am,” anang si Brynette na parang isang masunuring sundalo. “Gusto po ba ninyong tulungan ko rin kayo sa pag-eempake?” “Hindi na. Kaya ko na. Salamat.” At nagpaalam na dito. Nang bumalik siya sa opisina niya ay mas attentive na ang mga tauhan niya sa m

